MAYNILA SA MGA KUKO NG LIWANAG

--

I. Panimula

“Hindi lahat ng kumikinang ay ginto.”

Nakakasilaw at nakakaakit ang mga bagay na maganda kung tingnan. Ngunit madalas, ito ang magdadala sa kapahamakan. Hindi ito batayan sa tamang pagpili ng desisyon. Wala sa kinang at ganda ang pagkakaroon ng maayos na buhay.

Ang nobelang Maynila sa mga Kuko ng Liwanag ay sinulat ni Edgardo Reyes noong 1985. Unang nabasa ito sa Liwayway noong 1966 hanggang 1967. Ginawa itong pelikula noong 1975 sa direksyon ni Lino Brocka. Nagkaroon ito ng maraming parangal dito at sa ibang bansa.

Ang pamagat na ito ay sumisimbolo sa magandang imahe na lungsod ng Maynila lalo na sa mga taga probinsya. Para sa kanila, ito ay lugar kung saan matutupad ang kanilang mga pangarap. Dahil sa matataas na gusali at maliliwanag na ilaw, naaakit sila na pumunta rito. Ngunit hindi lahat ay nagtatagumpay. Hindi nila kinakaya ang mga hamon nang mabilis na takbo ng buhay sa Maynila. Ang mga pangarap nila ay dinadagit ng mga masasamang taong nag-aabang ng pagkakataon.

Si Edgardo Reyes ay isang Pilipinong nobelista, kuwentista at scriptwriter. Isa siya sa pinaka-prolific na awtor ng kanyang panahon. Karamihan ng kanyang akda ay unang lumabas sa mga magasin na Liwayway at Bulaklak. Kasapi si Reyes sa Agos sa Disyerto anthology. (Panitikan.ph/2014/06/07/edgardo-m-reyes)

Ang tagpuan dito ay Maynila. Dito halos nangyari ang buong kwento. Madalas makita ang estero na sumisimbolo sa kahirapan at karahasan.

Si Julio Madiaga, Ligaya Paraiso at iba pang mga tauhan ay sumisimbolo sa mga taga probinsiya na nagbaka sakali sa umunlad ang buhay sa Maynila. Sina Ah Tek at Mrs. Cruz naman ay ang mga mapagsamantala sa mga umaasa ng magandang buhay sa Maynila.

II. Pagtalakay

Teoryang Realismo ang ginamit ni Edgardo Reyes sa nobelang ito. Nagpapahayag ito ng realidad ng buhay at tumatalakay sa kalokohan sa lipunan. Paksa nito ang kahirapan, kamangmangan, karahasan, krimen, prostitusyon at iba pang problemang panlipunan.

ISYUNG PANLIPUNAN

Sa pelikula, halos lahat ng eksena ay kakikitaan ng realidad ng buhay. Magulo at maruming mga kalye, maraming tao ang nakatambay at mga batang naglalaro na malamang ay hindi nag-aaral. Sa konstruksyon na pinagtrabahuhan ni Julio, makikita ang hindi tamang pagtrato sa mga manggagawa. Maliit at hindi tama ang sweldo nila.

Realidad ng isyung prostitusyon. Pagbebenta ng mga babae. Sa eksena sa konstruksyon kung saan inalok si Julio ngunit tumanggi ito. Maging sa mga lalaki ay mayroon ding pagbebenta ng laman. Maging si Ligaya ay biktima nang ibenta siya ni Mrs. Cruz. Napilitan siyang sumama kay Ah Tek upang maging asawa para lamang makawala sa prostitusyon.

Makikita rin sa pelikula ang kawalan ng katahimikan at kaayusan. Walang pulis sa kalye upang magbantay. Inilalagay ng mga tao ang batas sa kanilang mga kamay. Si Julio na bumugbog sa magnanakaw. Nang mapatay ni Julio si Ah Tek, pinatay din siya ng taumbayan.

III. Konklusyon

Mabigat man sa loob ang naging kapalaran ng mga tauhan at hindi maganda ang naging katapusan, maaari pa ring ipayo na panoorin ito. Maraming aral ang mapupulot. Maging basehan sana ito upang mag aral na mabuti nang hindi maloko ng mga masasamang tao at makahanap ng maayos na trabaho upang gumanda ang buhay. Huwag magpaakit sa kinang at gandang panlabas, maging mapanuri, maging matalino.

Naganap ang mga pangyayaring ito matagal na panahon na ang lumipas. Kaya’t maaaring wala pang batas na angkop noong panahong iyo. Katulad sa pagpapasahod nang maliit o hindi tama. Ngayon ay may batas na para sa tamang sweldo.

Tungkol naman sa isyu ng kaguluhan, dapat ay may pulis na nakikita sa mga lansangan upang maiwasan ang mga krimen

--

--

No responses yet